Random Thoughts in a Confused Mind

RSS

Ang dami daming taong naghahanap ng pag-ibig. Daming nagaasam nito. Natagpuan na ng iba. Ang ilan naman sumuko na. Pero meron diyan mga tao na kahit paulit ulit na masaktan at magkamali sa pag-ibig, hindi pa rin sila napapagod. May mga taong naghihintay. Sabi nga nila, may taong nakalaan para sayo. May taong itinakda na makasama mo habang buhay. Pero di ba nila alam na may mga taong tumanda at namatay ng mag-isa. Hindi mo din naman kasi alam kung sino ang parang talaga sayo. Hindi mo alam na baka yung kalapit mo sa jeep, yung nabunggo mo habang naglalakad, yung matagal na matagal mo ng kaibigan, yung nakasalubong mo habang patawid ka sa kalsada, o talagang tatanda ka na lang mag-isa. May iba naman jan, nabubulag lang ng mga bagay bagay kaya napilitan silang umibig sa taong hindi nila mahal. Kung tutuusin mo nga naman, pedeng matutunan ang pagmamahal. Pero para sa mga katulad nila, laging merong panghihinayang. Panghihinayang para sa kanilang tunay na pag-ibig. Kahit na magsuot pa sila ng maskara na nangpapakitang sila ay masaya. Mararamdaman mo sa kanila ang kalungkutan. Meron ding naiinggit sa mga taong nakita na ang tunay na pag-ibig. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang mga ito. Nagkakaroon din sila ng mga problema, mga away at mga hindi pagkakainitindihan. Sa totoo lang, ang pag-ibig naman ay hindi ganun ka simple. Hindi ito yung tipong paggusto mo ang isang tao at gusto ka din niya, eh kayo na hanggang huli. Hindi ganun kadali yun. Siguro sa mga unang araw at linggo. Talaga namang walang humpay ang kasiyahan. Pero pag tagal tagal, diyan na lalabas ang tunay na kulay, ang tunay na ugali. Lagi namang ganun eh, habang lumilipas ang mga araw at mas nakikilala mo siya. May mga bagay na hindi mo magugugstuhan. Dalawa lang naman yan, ang tanggapin ang kanyang kaibahan o tangkaing baguhin ang kanyang masamang ugali. At kung napili mo yung pangalawa, dalawa lang din yan. Magbago siya o hindi sya magbago. At kung hindi man siya magbago, diyan na magsisimula ang away. Kung may nagagawa mang kasalanan sayo yung kapareha mo, okay lang naman magalit eh. Pero nagiging mali na kung hindi mo siya mapapatawad. Laging tandaan, hindi naman talaga maiiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan. Pero huwag na huwag mong uungkatin ang mga nagawa niyang kasalanan noon. Dahil ay talaga naman, di kayo matatapos sa pag-aaway. Kaya para sa inyong lahat. Wag kayong mapapagod magmahal. Para sa mga taong single jan! wag mawawalan ng pag-asa. kung wala ka na talagang pag-asa.. Pumasok ka na lang ng kumbento, mag-Pari/Madre ka na lang. Nakagawa ka pa ng mabuti sa kapwa. At para naman sa mga taong may karelasyon ngaun. Pagbutihin niyo. Huwag padalos dalos. Ay naku, at wag gawin ang mga bagay na hindi pa dapat gawin. Mahirap magkaron ng pamilya ng maaga. At para sa mga tao diyan na palihim na umiibig. Sabihin na ang totoong nararamdaman. Hindi mo malalaman ang dapat mangyari kung hindi ka magtatapat. Swerte mo kung gusto ka rin niya pero kung hindi naman, wag mong iisipin na may mali sayo. Hindi ka lang niya talaga gusto. At para sa mga taong nagpupumilit ibigin ang taong hindi ka nama gusto. Wag mo na pilitin. Kung hindi para sayo ay hindi talaga para sayo. Madami naman diyang iba. Hindi mo lang pinapansin ang pag-ibig ng iba. At para naman sa mga nagpapaasa sa ibang tao. Please naman, sabihin na ang totoo nang hindi na siya umaasa sa wala. Sige ka, pagdating na ikaw naman ang magmahal baka maranasan mo din ang ginagawa mo sa kanya. At para naman sa mga taong ayaw na muling umibig dahil sa tao o sa mga taong nanakit sa puso nila. Buksan muli ang puso. Oo mahirap umibig muli kung ikaw ay nasaktan na. Pero wag isipin na ang lahat ng tao sa mundo ay katulad nila. Iba’t ibang uri ng pag-ibig. Iba’t ibang klase ng tao. Pero sa huli iisa lang naman talaga ang hinahangad nating lahat diba? Ang magmahal at mahalin ng buong buo at tapat. Kaya payo ko lamang mga kapatid. Huwag magmadali at lalong wag matakot. May tamang oras at panahon para sa tamang pagkakataon.